Pinoy seafarer na nagpositibo sa Indian variant, pumanaw na

185

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na isa sa mga nagpositibong seafarer sa Indian COVID-19 variant ang pumanaw na.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ang Pinoy seafarer ay kabilang sa siyam na tripulante ng MV Athens Bridge na mga nagpositibo sa variant na B.1.617.


Ang iba naman sa mga nagpositibo sa nasabing variant mula sa naturang barko ay nakarekober na at apat na lamang ang nananatili sa pagamutan.

Bukod sa nasabing mga tripulante, may tatlo pang Pinoy na galing sa ibang bansa ang nagpositibo sa Indian variant ngunit nakarekober na ang mga ito.

Bagama’t may mga nagpositibo rin sa mga close contact ng mga biktima, tiniyak ni Vergeire na wala sa mga ito ang nakakuha ng parehas na variant.

Facebook Comments