300,000 metrikong tonelada ng bigas na inangkat ng bansa, inaasahang darating na

52

Inaasahang darating na ang halos 300,000 metrikong tonelada na bigas na inangkat ng bansa ngayong huling quarter ng taon.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, ang parating na bigas ay magsu-supply sa mga Pilipino hanggang sa katapusan ng taon kasama ang mga ani ng lokal na magsasaka.

Sa ngayon, umabot na sa 2.3 milyong metrikong tonelada na bigas ang naiangkat ng bansa ngayong taon na 23% na mas mababa kaysa noong nakaraang taon.

Facebook Comments