DILG, binigyang pagkilala ang nagviral na pulis na humarang sa isang taxi driver sa Baguio City

Binigyan ng Department of Interior and Local Government ng pagkilala ang pulis na nag-viral sa social media matapos nitong itaya ang buhay sa pagsampa sa hood ng isang taxi driver sa Baguio City.

Mismong si DILG Secretary Eduardo Ano ang nagpaabot ng kanyang pagkilala sa dedikasyon sa trabaho ni Patrolman Julius Walang.

Ayon sa kalihim, dapat bigyang pugay ang tulad ni Walang dahil sa tapang nito na ipatupad ang batas kahit nalagay sa alanganin ang kanyang buhay.


Dagdag pa ng DILG Chief, kailangan ng bansa ang mga tulad ni Patrolman walang na hindi nagdadalawang isip na isakripisyo ang buhay matupad lamang ang kanyang tungkulin.

Si Patrolman Walang ay nag-viral sa social media matapos itong pumatong sa hood ng isang taxi ng kanyang sitahin ang driver dahil sa traffic violation sa Baguio City.

Facebook Comments