Nakatakdang makatanggap ng flu vaccines ang nasa tatlumpung-libong mga Dagupeño sa lungsod ng Dagupan na magmumula sa Department of Health.
Magiging benepisyaryo ng flu vaccine ang mga Senior Citizens, kasama rin ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng lungsod.
Ayon kay City Health Officer, Dr. Ophelia Rivera, sisikaping maibahagi ang kahit isang libong flu vaccines bago matapos ang taon.
Samantala, inaasahan ang pagdating ng mga nasabing vaccines sa 26 ng Disyembre ngayong taon. |ifmnews
Facebook Comments