PAGTATAAS UMANO NG BUSINESS PERMIT SA MANGALDAN, WALANG KATOTOHANAN

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan na hindi ito magtataas sa Business permit sa susunod na taon.
Ayon kay Elma Aquino, Officer-in-Charge (OIC) ng Business Permits and Licensing Section (BPLS) “fake news” umano na magtataas ang singil sa renewal ng business permits sa darating na 2023.
Sinabi ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno na walang mangyayaring pagtaas sa singil ng mga business permits dahil tayo nasa gitna parin ng pandemya ang bansa.

Dagdag naman ni Aquino, ang business permits ay automatically computed sa iBPLS kung saan nakabase ang new application sa idedeklarang “capital” at “gross income for the previous year” naman sa renewal ng business permit.
Magsisimula sa Enero 3 hanggang Enero 20, 2023 ang aplikasyon para sa business permits. |ifmnews
Facebook Comments