31, arestado sa oplan galugad sa Barangay Greater Fairview, Quezon City

Quezon City – Pawang mga menor de edad ang tatlumpung-isang (31) indibidwal na naaresto sa isinagawang Oplan Galugad ng Quezon City Police District-Station 5 sa Brgy. Greater Fairview sa Quezon City kaninang madaling araw.

Ayon sa QCPD-Station 5, mga tambay at nag-iinuman sa mga pampublikong lugar ang mga lumabag sa curfew na hinuli at isinailalim sa random drug test.

Pinayagang makauwi ang mga menor de edad na sinundo ng kanilang mga magulang sa himpilan habang pinatawan naman ng parusa ang iba pa sa paglabag sa city ordinance.


Muli namang nagpaalala ang QCPD sa publiko na matutong sumunod at huwag hamunin ang batas.

Facebook Comments