Senador Antonio Trillanes – tinawag na “political ISIS” ni Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Tinawag na ‘political ISIS’ ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Antonio Trillanes.

Sabi ng Pangulo, wala kasing ibang alam gawin si Trillanes kundi batikusin ang kanyang administrasyon.

Payo pa niya sa senador, huwag basta maniwala sa mga naririnig at gamitin ang kanyang utak.


Nagpasaring din si Duterte sa pagdadawit ng senador kina Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio sa nakalusot na 6.4 billion pesos na drug shipment sa Bureau of Customs.

Sinabihan na rin daw niya si Paolo na dumalo sa senate hearing.

Facebook Comments