
Nagtipon-tipon ang mga barangay captain mula sa 31 barangay ng lungsod ngayong umaga, Abril 13, upang talakayin ang mga plano sa pagpigil ng grass fire incidents sa lungsod.
Ayon sa ulat, inatasan ang mga barangay na magsagawa ng grass cutting dahil sa talamak umanong insidente ng grass fire dulot ng matinding init ng panahon at mga naiiwang siga ng apoy sa mga damuhan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalaga ang pagkakaisa ng mga barangay lider upang maiwasan ang mga posibleng insidente ng sunog.
Bukod dito, tinalakay rin sap ulong ang mahigpit na pagpapatupad ng waste segregation at SAFENet program sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










