Nagsagawa ng pagpupulong ang alkalde ng lungsod ng Dagupan sa tatlumpu’t isang barangay ukol sa striktong pagpapatupad ng ng Republic Act No. 10586 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 sa kani-kanilang nasasakupan.
Ayon sa alkalde ng lungsod, kanilang dadagdagan ang mga check point/stations para magsagawa ng breathalyzer tests sa mga motorista lalo na sa kahabaan ng de Venecia Rd Ext. tuwing gabi at sa madaling araw upang maka-iwas disgrasya.
At kagabi lamang ay tuluyan na ngang inumpisahan ang pagsasailalim sa breath analyzer tests ng mga motorist sa tulong ng PNP at POSO.
Ang striktong pagpapatupad nito ay dahil sa kamakailang report ni PLtCol. Vicente Castor Jr., Acting Chief ng Dagupan PNP ukol sa nangyaring road incident nitong Linggo kung saan nasawi ang isang menor de edad. |ifmnews
Facebook Comments