Cauayan City, Isabela- Pormal nang sinimulan ang Electrical Installation and Maintenance Training para sa dating mga miyembro ng rebeldeng grupo sa Salaknib Former Rebels Integrated Farmers’ Association (SFRIFA), Happy Farm Ville, Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.
Pinangunahan ng 95th Infantry Salaknib Battalion sa pamumuno ni Battalion Commander, LTC Gladiuz C. Calilan katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Isabela sa pamumuno naman ni Director Edwin P Madarang, School Superintendent of TESDA-ISAT.
Ang nasabing pagsasanay ay bahagi ng programa ng gobyerno para sa mga dating rebelde na nakapasailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) kung saan para matulungan ang nasa 31 na former rebels na kanilang magagamit sa paghahanap ng trabahoo bilang dagdag na pagkukuhanan ng kanilang kita para sa pamilya.
Ayon kay Director Madarang,ang nasabing programa ay makakatulong sa mga ito para sa pagbabagong buhay nila.
Nagpasalamat naman si Brigadier General Laurence E Mina PA, Commander ng 5ID sa mga miyembro ng TESDA para sa kanilang patuloy na suporta sa pagbibigay ng oportunidad sa bagong kasanayan.