
CAUAYAN CITY – Sa presyo ng mga gulay, mula sa dating 120 pesos kada kilo ay bumaba ngayon ng P60/kilo ang talong. Ang Sitaw 100/kilo, ampalaya ay 60 pesos per kilo, Okra na dating P120/kilo ay P80 nalang kada kilo, repolyo na P60/kilo, patatas na P120 pero kilo, at sayote na P60 per kilo, at carrots na 160.
Ang kamatis ay bagsak presyo na kung saan nasa P5-P15 na lang per kilo, habang ang mga pangrekado ay walang pagbabago sa presyo katulad ng Bawang 160, sibuyas at luya na parehong ay nasa ₱P140 kada kilo.
Samantala sa mga isda naman, nasa ₱230 ang bangus, ₱160 ang kilo salmon head, ₱300 naman ang galunggong na bilog habang ang Japa ay P170/kilo, ₱160 ang tilapia, Hito na P150, Pusit na P240/kilo, at Hipon na P600 per kilo.
Ayon sa ilang tindera ng isda, posibleng magkaroon ng pagtaas sa presyo ng mga mga isda dahil panahon ngayon ng semana Santa kung saan marami sa mga mamimili ay umiiwas sa karne at kalimitang isda o gulay ang kinakain.
Samantala, nasa P400 pa rin ang kilo sa laman ng baka, habang ang pang papaitan ay P380/kilo, ang baboy ay P280/ kilo, habang P200 ang presyo ng kada kilo ng whole chicken.
Sa itlog naman, nasa 240-300 pesos pa rin ang isang tray depende sa size.
Paalala naman mga IDOL na mamimili ngayong araw, inaasahan natin ang maaliwalas na panahon ngunit mayroon pa ring mga tiyansa ng pag-ulan kaya naman magdala ng payong o sumbrero bilang panangga.










