Cauayan City, Isabela- Pumalo sa tatlumpu’t isa (31) ang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2, sa bilang na 31, siyam (9) ang naitalang nagpositibo sa Lungsod ng Cauayan, tig-tatlo (3) sa Lungsod ng Santiago, Ilagan at bayan ng Luna, tig-dalawa (2) sa mga bayan ng Naguilian, Reina Mercedes at Alicia, at tig-isa (1) naman sa mga bayan ng Angadanan, Aurora, Echague, Delfin Albano, San Mateo, Ramon, at San Manuel.
Dahil dito, umakyat sa 264 ang active cases dito sa Lalawigan ng Isabela kumpara kahapon na 248 lamang.
Samantala, nakapagtala naman ang probinsya ng Isabela ng labing apat (14) na panibagong bilang ng mga gumaling sa COVID-19.
Facebook Comments