Ika-82 Malasakit Center, Binuksan na sa Santiago City, Isabela

58

Cauayan City, Isabela- Pinasinayaan na ang ika-82 Malasakit Center sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) sa lungsod ng Santiago.

Pinangunahan ito nila Isabela 4th District Rep. Atty. Sheena Tan at 6th District Rep. Faustino ‘Inno’ Dy.


Matatandaang ipinanukala ito ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go na magkaroon ng maagap na tugon para sa mga residenteng mangangailangan ng agarang tulong.

Ang Malasakit Center ay programa ng gobyerno na naglalayong magsilbi bilang one-stop shop ng Philippine Charity Sweepstakes Office, Philippine Amusement and Gaming Corporation, Department of Social Welfare and Development Office, Philippine Health Insurance Corporation at Department of Health upang mapabilis ang pagbibigay ng serbisyong medikal at magbigay sa mahihirap na pasyente ng libreng gamot.

Sa kanyang facebook post, nagpasalamat si Rep. Tan sa senador dahil magiging abot-kamay na ng tao ang tulong mula sa ialng ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments