31 miyembro ng BIFF, naitalang napatay sa isinagawang focused military operation sa Maguindanao

Maguindanao, Philippines – Tatlumput isang miyembro na nang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF ang napatay sa limang araw na focused military operation sa ibat ibang lugar sa Maguindanao.

Ito ang kinumpirma ni Capt .Ervin Encinas ang tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army

Naging target aniya ng operasyon ang grupo nina Commander Ismael Abubakar alyas Bungos na naag-o-operate sa tri-boundary ng Talayan, Guindulungan at Datu Piang sa Maguindanao.


Ang grupong ito ang sangkot sa ibat ibang krimen sa Central Mindanao simula nang itatag ang BIFF noong taong 2010.

Aniya, nagsimula ang operasyon ng militar noong May 6 araw ng Sabado at hanggang ngayong araw kung saan maliban sa 31 napatay na BIFF members ay may apat pang naitalang sugatan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang validation at verification ng militar sa pagkakalinlan ng mga nasawing BIFF at posible pa aniyang tumaas pa ang bilang ng mga nasawing BIFF members sa lugar.

DZXL558

Facebook Comments