Tatlong mga holdaper na nakipagbarilan sa mga pulis, patay sa QC

Manila, Philippines – Patay agad ang tatlong hindi nakikilalang mg holdaper matapos na makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Hall Police Detachment sa may bahagi ng Techno Hub Barangay UP Alburetum, Old Balara, Quezon City.

Ayon kay Police Chief Inspector Rolando Lorenzo ng City Hall Detachment, nagsumbong sa kanilang himplan ang biktimang si Arnel Cruz na hinoldap ng mga naturang suspek.

Dito na mabilis na ikinasa ang operasyon ng mga awtoridad kung saan naabutan sa lugar ang mga holdaper.


Nagkunwari pang susuko ang mga suspek subalit nang lalapitan na ng mga arresting officer ay agad na namaril ang mga suspek at nakipaghabulan pa hanggang sa maabutan sa likod na bahagi ng Techno Hub.

Wala nang nagawa ang mga pulis kundi gumanti ng putok na nagresulta sa agarang kamatayan ng hindi pa nakilalang mga suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang kalibre 38 baril na ginamit ng mga suspek sa pakipagpalitan ng putok sa mga pulis.

DZXL558

Facebook Comments