31 mountaineers na iligal na umakyat sa Mt. Mayon, dineklarang persona non grata

Albay – Pinagmulta na ngayon ng pamunuan ng provincial tourism council at provincial government matapos masabat ang grupo ng 31 mountaineers sa bayan ng Maliliput, Albay.

Ang nasabing grupo na pinamumunuan ni Jeff Mansibang, 31-anyos, mula sa Los BaƱos, Laguna ay pumuslit at umakyat sa Mt. Mayon sa Albay.

Bukod sa 5-libong multa ay pinatawan din sila ng persona non grata.


Ito ay para hindi na muna sila makapasok sa lalawigan dahil sa ginawa nilang paglabag sa ordinansa ng lalawigan at ng tourism council.

Isa pa sa mga dahilan ng pagpataw nito ay para maiwasan na rin ang nangyaring insidente noon na ikinamatay ng ilang dayuhan na pumuslit din nang walang paalam sa pamahalaang panlalawigan.

Facebook Comments