PAGLULUTO SA NIGHT MARKET, PINAGBAWAL!

Baguio, Philippines – Apat na araw na mula nung Setyembre 25, 2017 araw ng lunes ng sinimulang ipagbawal ang pagluluto sa night market.
Ayon sa ibang vendors nagulat na lamang sila kung bakit ito pinagbawal at di umanoy tila ba “na-comatose” sila.
Ang ibang vendors naman idinaan nalang sa biro ang nararanasan. Tulad na lamang ng “Bili kayo ng tubig mainit”.
Samantala,ang ibang pwesto sa nasabing lugar ay bakante dahilan na ang kanilang paninda ay kinakailangang lutuin.
Pag-asa na lamang na sana sa susunod na linggo ay maayos ito.

Facebook Comments