31 OFWs na na-stranded sa Latin America, nakauwi na ng Pilipinas

Nakauwi na ng Pilipinas ang 31 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nai-transit sa Madrid, Spain matapos na mai-stranded sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang naturang OFWs ay pawang mula sa Turks at Caicos Islands.

Dumaan muna sa serye ng pakikipag-negosasyon ang Philippine Embassy para sa transit ng Pinoy repatriates dahil sila ay pawang walang pinanghahawakang Schengen visa.


Ang naturang Pinoy workers ay sumailalim muna sa COVID test bago umuwi ng Pilipinas kung saan sila ay pawang negatibo sa virus.

Mula nang pumutok ang COVID-19 pandemic, umaabot na sa 977 na OFWs ang napauwi ng Philippine Embassy sa Madrid.

Facebook Comments