Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na patuloy na nagkakaroon ng aktibidad ang Bulkang Taal.
Batay kasi sa monitoring, nagkaroon ang Bulkang Taal ng 31 pagyanig na nakalipas na 24 oras at mahihinang background tremor.
Patuloy pa rin ang pagbuga ng abo ng nasabing bulkan na may taas na 2,500 metro bago mapadpad sa timog-kanluran dulot ng upwelling ng mainit na volcanic gas.
Kasabay rin nito ang pagbuga ng sulfur dioxide kung saan umabot ito sa average na 14,699 tonelada.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa Bulkang Taal kaya ipinagbabawal pa rin ang manatili malapit sa bulkan.
Facebook Comments