Nakaalis na ng Afghanistan ang 31 pang Pilipino dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa pagitan ng Taliban forces.
Sa inilabas na pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), 16 sa mga Pilipino ay nakaalis na ng Kabul lulan ng isang military plane at ngayon ay nasa United Kingdom na.
Habang ang 13 ay nasa Oslo sa Norway, isa ang nasa Almaty, Kazakhstan, at isa ang nasa Kuwait.
Walo namang Pilipino ang nakapag-rehistro na sa embassy pero hindi pa nais na maisailalim sa repatriation.
Sa ngayon, umabot na sa 175 mga Pilipino ang nakaalis at nakapag-evacuate sa Afghanistan kung saan 32 ang nananatili pa rito at 22 ang ayaw pang makauwi.
Pinasalamatan naman ng DFA ang mga bansang tumulong sa Pilipinas upang makauwi na ang mga Pilipinong naipit sa kaguluhan sa Afghanistan.