Ilang senador at miyembro ng gabinete, nagpaabot ng pagbati kay Senator Pacquiao matapos ang laban kay Ugas

Nagpahayag ng pagbati ang ilang senador at miyembro ng gabinete kay Senator Manny Pacquiao matapos ang naging laban nito kay reigning WBA welterweight champion Yordenis Ugas.

Sa inilabas na pahayag ng Office of the Presidential Spokesperson, partikular nitong tinukoy ang “unwavering” support kay Pacquiao.

Hindi anila dahilan ang pagkatalo ng boxing legend dahil habang-buhay pa rin itong magiging People’s Champ sa puso ng mga Pilipino.


Maliban dito, ilang Senador din ang nagpahayag ng pagbati kay Pacquiao tulad ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na sinabing ipinakita ni Pacquiao ang katapangan at kahusayan ng Pilipino sa larangan ng sports na pwedeng magamit sa ibang aspeto ng buhay.

Nagpasalamat naman kay Pacman si Senator Christopher “Bong” Go dahil sa pagbibigay nito ng lahat upang maging maganda ang laban.

Para naman kay Senator Juan Miguel Zubiri at Senator Richard Gordon ay muling ipinakita ng pambansang kamao ang pagiging legendary fighter at best athlete dahilan upang maging proud dito ang mga Pilipino.

Samantala, ilan pang Senador ang nagpahayag din ng pagbati tulad nina; Senator Ronald “Bato” dela Rosa, House Speaker Lord Allan Velasco, Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate at iba pa.

Facebook Comments