31 panibagong kaso ng COVID-19, naitala sa Muntinlupa City

21

Nakapagtala ng 31 na panibagong kaso ng COVID-19 sa mga residente ng Muntinlupa City.

Dahil dito, pumalo na sa 4,301 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa lungsod.

Sa inilabas ng datos ng Muntinlupa City Government, bumaba na sa 202 ang active cases ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Umakyat na rin sa 3,955 mula sa bilang naman ng mga residente sa lungsod na gumaling sa COVID-19.

Habang nasa 144 na COVID patient naman ang nasawi.

Samantala, mula sa 575 umabot na rin sa 625 ang itinuturing na probable cases ng COVID-19 mula sa mga barangay ng Tunasan, Poblacion
Putatan, Bayanan, Alabang, Ayala Alabang, Cupang, Buli at Brgy. Sucat sa Muntinlupa City.

Facebook Comments