Mga validated cases ng COVID-19 sa Quezon City, umakyat na sa mahigit 19,000

25

Umakyat na sa 19,099 ang mga kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod ng Quezon base sa pinakahuling report ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit.

Mula sa naturang bilang, 2,962 ang kumpirmadong active cases o pwedeng makahawa pa.

Bumaba ito ng 52 cases mula sa naitalang 3,013 noong September 30, 2020.

Nadagdagan naman ng 229 ang mga gumaling, na sa sumatutal ay nasa 15,590 na,

May tatlo namang naidagdag sa mga pumanaw na sa kabuuan ay 457 na.

Facebook Comments