Cauayan City, Isabela- Patuloy na nakakapagtala ng mataas na bilang ng gumagaling sa COVID-19 ang probinsya ng Isabela.
Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, April 12, 2021, umaabot sa 319 ang bagong gumaling na nagdadala sa kabuuang bilang ng mga nakarekober sa 7,726.
Mayroon namang 41 na panibagong kaso ang naidagdag sa mga nagpositibo.
Kaugnay nito, bumaba sa 1,200 ang aktibong kaso sa probinsya samantalang tumaas naman sa 9,115 ang total commulative cases.
Sa bilang ng aktibong kaso, ang siyam (9) ay naitala sa Santiago City; tig-aapat (4) sa bayan ng Burgos, San Manuel at Cauayan City; tig-tatatlo (3) sa bayan ng Aurora at Cabagan; tig-dadalawa (2) sa mga bayan ng Jones, Mallig, Quezon at San Agustin at tig-iisa (1) sa bayan ng Alicia, Echague, City of Ilagan, Roxas, San Isidro, San Mateo.
Pinakamarami pa rin sa mga nagpostibo ay dahil sa Local Transmission na may 1,070; Health workers na may 94; nasa 34 naman sa PNP at dalawa sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs).
Ang Isabela ay nakapagtala na ng 189 na COVID-19 related deaths simula pa noong taong 2020.