Manila, Philippines – Naging mapayapa sa kabuuan ang isinagawang 31st ASEAN Summit sa bansa
Ito ang kabuuang pagtaya ng ASEAN Security Task Force.
Ayon kay DILG Officer in Charge Catalino Cuy zero incident ang naitala sa buong panahon isinagawa ang ASEAN summit.
Ito ay kahit na nagkagirian ang mga raliyista at pulis sa may bahagi ng padre faura lungsod ng Maynila noong lunes kung saan limangpung pulis ang sugatan.
Sinabi naman ni Cuy na naging challenge sa kanila kung paano maiiwasan ang pagsasara ng mga kalsada dahil tiyak ang bigat mg trapiko.
Magkagayupaman nakatulong aniya ang pagdedeklara ng holiday dahil kokonti lamang ang napurwesyo ng traffic.
habang nakatulong din daw ang paggamit ng CLARK INTERNATIONAL AIRPORT dahil kokonti ang naapetuhan ng mga kanseladong flight
Binantayan din daw nila ang posibleng panggugulo ng local terrorist lalot kakatapos lamang ng gyera sa Marawi City pero hindi nakaubra ang mga ito dahil sa mahigpit na seguridad na kanilanh ipinatupad.
Kanina agad namang binigyan ng medalya ng sugatang magiting ang limangpung pulis na nasugatan sa girian sa rally
Iginiit naman ni Cuy na tama lamang na gumamit ng Long Range Acoustic Device o LRAD kapag nagkakagirian sa rally.
Ito aniya ay hindi masama sa kalusugan sa halip nakakairita lamang para mahinto ang girian.