Andray Blatche, tiniyak na maglalaro sa Gilas Pilipinas sa Asian World Cup Qualifiers

127

Sports – Muling maglalaro para sa Gilas Pilipinas si naturalized Pinoy Andray Blatche.

Sa kaniyang post sa kaniyang Instagram account sinabi ng dating NBA player na “Be back with my brothers real soon to take care of business” na may hash tag pa na puso.

Si Blatche ay naglalaro ngayon para sa defending champion Xinjiang Flying Tigers sa Chinese Basketball Association.

Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Japan sa Tokyo sa Nobyembre 24 sa pagsisimula ng Asian World Cup qualifiers.

Mahigit isang taon na rin itong hindi nakakapaglaro sa Gilas Pilipinas matapos tumanggi si Blatche na mapasama sa 2017 FIBA Asia Cup.

Facebook Comments