32 bansang sasabak sa FIFA Women’s World Cup, kumpleto na; Pilipinas, first-time na lalanok sa torneyo

Pormal nang inanunsiyo ng FIFA Women’s World Cup na kumpleto na ang 32 mga bansa na sasabak prestihiyosong torneyo na gaganapin sa Agosto sa Australia at New Zealand nitong taon.

Ito ay makaraang mamayani sa kanilang sariling inaugural Play-Tournament ang mga national teams ng bansang Haiti, Portugal at Panama nitong nakalipas na araw.

Nangangahulugan na ang women’s football teams ng Haiti at Panama ay tutungo ng Australia sa July upang sumabak sa Group D at Group F habang ang Portugal ay tutungo naman sa Aotearoa, New Zealand upang harapin ang defending FIFA Women’s World Cup champions na USA sa Group E.


Sinasabing sa 32 mga bansa na nag-qualify sa 2023 FIFA Women’s World Cup, 20 sa mga ito ay dati na ring umusad sa nakalipas na torneyo partikular noong 2019 World Cup.

Magsisilbing namang debut ng walong mga bansa kabilang ang Haiti, Morocco, Panama, Pilipinas, Portugal, Republic of Ireland, Vietnam at Zambia ang FIFA Women’s World Cup.

Kung maalala ang Filipinas ay nahanay sa GROUP A kasama ang mga bansang New Zealand, Norway at Switzerland.

Naitakda na rin ang mga schedule ng laro at buwena manong makakalaban ng mga Pinay ang Switzerland sa July 21.

Facebook Comments