Dating NBA star at bagong FIBA World Cup ambassador Carmelo Anthony umaasang magkita sana sila ni Manny Pacquiao sa muli nitong pagbabalik

Umaasa ang dating NBA star na si Carmelo Anthony na sana ay personal na silang magkikita ng kanyang kaibigan at boxing icon na si dating Sen. Manny Pacquiao.

Ang 3-time Olympic basketball gold medalist na si Anthony ay ilang araw ding naglagi sa Pilipinas kung saan pormal siyang ipinakilala bilang isa sa bagong ambassador ng FIBA World Cup.

Habang nasa Metro Manila si Anthony, nakausap lamang niya sa pamamagitan ng telepono si Manny.


Aniya, apat na araw na raw niyang hinahanap ang dating eight division world champion.

Sinasabing nagkataon daw na naglalaro rin ng basketball si Pacquiao sa MPBL.

Sa kanyang video message, inimbitahan ni Anthony si Pacman na sana magkita rin sila sa Amerika dahil alam naman nito kung saan siya hahanapin.

Nagkausap ang dalawa sa tulong ni Cong. Mikee Romero na ang anak na si St. Benilde juniors guard Santi Romero ay kaibigan din pala nito habang sila ay nasa New York training noong 2021.

Facebook Comments