Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng 32 positibong kaso ng COVID-19 ang Santiago City ngayong araw batay sa pinakahuling datos na inilabas ng City Epidemiology Surveillance Unit (CESU).
Sa 32 na panibagong kaso, 28 dito ay pawang mga asymptomatic o walang nararanasang sintomas habang apat (4) ang mayroong sintomas ng COVID-19.
Ang nasabing bilang ay resulta ng malawakang contact tracing at mass testing ng Lokal na Pamahalaan sa mga close contacts ng mga nakaraang nagpositibo sa COVID-19.
Kabilang sa mga nagpositibo ang dalawang bata na babae at lalaki na pawang isang taong-gulang mula sa barangay ng Rosario at San Jose.
Bukod dito, kabilang rin sa mga nagpositibo ang pitong (7) health workers na wala namang kasaysayan ng pagbyahe sa mga lugar na may mataas na kaso ng positibo sa virus.
Pakiusap ngayon ng DOH na sundin pa rin ang standard health protocol para makaiwas sa pagkahawa sa sakit.