32 detainees ng Tuguegarao City Police Station, Nagpositibo sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 32 detainees ng Tuguegarao City Police Station ngayong araw.

Ito ang naging pahayag ni Cagayan Governor Manuel Mamba sa isinagawang Management Committee Meeting.

Ayon naman kay PLT. Franklin Cafirma, tagapagsalita ng PNP Tuguegarao City, nananatili sa lock-up cell ang mga detainees sa kabila ng kanilang positibong kaso ng virus.


Aniya, umakyat na rin sa kabuuang 22 pulis ang mga nagpositibo sa virus matapos maitala ang community transmission sa ilang barangay sa lungsod.

Kabilang sa mga personnel ng pulisya na nagpositibo ay ang kanilang hepe at Deputy chief of police.

Una rito, nangyari ang pagkahawa ng mga ito dahil sa unang naitalang kaso sa loob mismo ng kanilang himpilan na isang Non-uniformed personnel na isa pa ring aktibong kaso ngayon.

Bukod dito, umakyat na sa mahigit 70 na mga pulis ang nakasailalim sa home quarantine dahil sa exposure sa nasabing NUP.

Tiniyak naman Cagayan Police Provincial Office (CPPO) at Police Regional Office 2 na hindi mapaparalisa ang pwersa ng istasyon ng pulisya kung kaya’t nagdagdag ito ng mga personnel.

Facebook Comments