32 million pesos ng UCPB bank na nakuha sa Macabalan Port, nasa kustodiya pa rin ng Philippine Coastguard Northern Mindanao

136

Cagayan de Oro – Nasa kustodiya pa rin ngayon ng Philippine Coastguard o PCG ang 32 million pesos ng United Coconut Planters Bank o UCPB na nakuha sa Macabalan Port sa Cagayan de Oro.

Ayon kay PCG Public Information Officer Jeramer Dasas, noong araw na pinakawalan ang apat na personahe ng UCPB ay naglabas ng resolusyon ang piskalya na ang PCG pa rin ang hahawak ng pera.

Sa ngayon, hinihintay pa ng PCG ang sagot ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa kanilang hiling na iturn-over ang pera para mas maka-focus ang Coastguard sa kanilang trabaho.


Facebook Comments