Dalawang police units sa Region Ten, awardees sa 22nd PCR Month Celebration sa buong Pilipinas

73

Northern Mindanao – Dalawang police units mula sa Region Ten ang nakakuha ng awards sa 22nd Police Community Relations o PCR Month Celebration ngayong taon.

Kinilala bilang Outstanding City Police Office Nationwide ang Iligan City Police Office habang kinilala naman bilang Outstanding City Police Station sa Pilipinas ang Gingoog City Police Station sa Gingoog City, Misamis Oriental.

Isasagawa ang awarding sa pagtatapos ng 22nd PCR Month Celebration sa Hulyo 31 sa Camp Crame, Quezon City.


Facebook Comments