Nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang 32 milyong pisong halaga ng pekeng sigarilyo sa operasyon sa Barangay Borol, Batangas Balagtas Bulacan.
Sa ulat ng PNP-CIDG kay PNP Chief Guillermo Eleazar, naaresto ang apat na suspek na kinilalang sina Zeng Qiangjian 42 anyos, Lin Shanxiong, 48 anyos, John Bejay Agujar, 25 anyos at Rodolfo Brosas, 25 anyos.
Aabot sa kabuuang 1,340 karton na naglalaman ng tig-50 ream ng samu’t saring pekeng sigarilyo ang narekober sa mga suspek.
Kakasuhan na ang mga suspek ng paglabag sa R.A. 7394 o ang The Consumer Act of the Philippines, R.A. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines, at R.A. 1937 o Revised Tariff and Custom Law of the Philippines.