32 pamilyang benepisyaryo ng BP2 Program sa Agusan del Sur, binigyan na ng puhunan ng DSWD

May 32 pamilya na benepisyaryo ng Balik-Probinsya Bagong Pag-asa (BP2) Program sa bayan ng Prosperidad, Agusan del Sur ang binigyan pa ng tulong pinansiyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa DSWD bawat pamilya ay pinagkalooban ng tig-₱50,000 bilang Livelihood Settlement Grant.

Ang bigay na tulong ay estratehiya ng pamahalaan upang tulungan sila na makapagsimula ng panibagong buhay.


Ito ay paraan din upang makumbinsi ang mga pamilya na magbalik sa kanilang lalawigan at ma-decongest ang National Capital Region (NCR) at highly urbanized areas.

Una na silang nakatanggap ng transitory family support package na ₱25,000 hanggang ₱50,000 depende sa bilang ng pamilya at assessment ng social workers.

Facebook Comments