32 pang bagong kaso ng Omicron subvariant BA.5, naitala sa bansa

51

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang naitala nilang 32 na bagong kaso 32 Omicron subvariant BA.5.

Sa nasabing bilang, 21 rito ay mula sa Western Visayas, 4 mula sa CALABARZON, 4 mula sa Metro Manila, at 3 mula sa Central Luzon.

16 sa naturang mga pasyente ay gumaling na at 14 ang patuloy na naka-isolate.


Patuloy namang inaalam pa ang kondisyon ng iba pang kaso.

Kinumpirma naman ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa lalo na sa Metro Manila.

Gayunman, hindi pa masabi ng DOH kung mayroon nang local transmission ng Omicron subvariants.



Facebook Comments