Luzon grid, muling isinailalim sa Yellow Alert ngayong araw

39

Nag-abiso ang system operator na National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa muling pagtataas sa Yellow Alert ng Luzon grid simula alas-12:00 ng tanghali.

Bunsod ito ng pagnipis ng suplay ng kuryente dahil sa hindi inaasahang pagkawala ng suplay mula sa pitong powerplants.

Dahil dito, nasa sa 1,500 megawatts ang nawala mula sa inaasahang suplay ng kuryente ngayong araw.


Sa abiso ng NGCP, nasa 11,200 megawatts ang kailangang suplay subalit nasa 12,000 megawatts lamang ang available.

Tatagal ang Yellow Alert hanggang mamayang alas-4:00 ng hapon

Wala namang inaasahang power interruption sa ilalim ng Yellow Alert.



Facebook Comments