32 rubber ducks, tinanggal sa tiyan ng alagang Bulldog

Mor Mui Pattaya Baan Mor Rak Sat Facebook

Tumagal ng higit isang oras ang operasyong ginawa ng mga beterinaryo sa Pattaya, Thailand para tanggalin ang 32 rubber ducks sa tiyan ng isang matakaw na bulldog.

Kuwento ng may-ari na si Nong Aom, bumili siya ng 50 rubber ducks para ipalamuti sa swimming pool.

Kinabukasan, nakita niya na lang na isinuka ng American bulldog na si Devil ang limang rubber duck.


Mor Mui Pattaya Baan Mor Rak Sat Facebook

Nang mapagtantong higit pa rito ang nakain ng alaga, isinugod niya na ito sa beterinaryo.

Masuwerte namang nakatira lang si Nong Aom malapit sa beterinaryo.

Hindi naman makapaniwala ang beterinaryong si Muy sa dami ng kinain ni Devil.

Aniya, ilang beses na siyang nagtanggal ng mga rubber toy sa tiyan ng mga so pero ito ang unang pagkakataon na umabot ng 32 ang tinanggal niya.

Nagbabala sa social media para sa may mga alagang aso ang beterinaryo na huwag nang bumili ng rubber toys.

Facebook Comments