Patay ang aabot sa 32 sibilyang nakatira sa Dogon Farming Villages sa Central Mali, Africa.
Ito ay matapos salakayin ng mga armadong lalaki ang lugar lulan ng motorsiklo kung saan pinagbabaril nila ang mga mamamayan.
Ayon sa mga Otoridad, madalas maganap ang ganitong mga pangyayari kung saan ang tinitignang may kagagawan ay ang grupong fulani herders laban sa mga dogon farmers.
Sa ngayon, base sa tala ng Armed Conflict Location & Event Data Project (ACLED), umabot na sa 300 indibidwal ang nasawi sa Mali, Africa sa unang tatlong buwan ng 2020.
Facebook Comments