Manila, Philippines – Kinumpirma ng Malacañang na isang eight-seater private plane ang gagamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdalo sa 32nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa April 26 sa Singapore.
Ito ay kasunod ng mga batikos ng malaking bilang ng mga delegado ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa Boao Business Forum sa China at pagbisita sa Hong Kong
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagpasya ang Pangulo na kaunting delegado lang ang isama sa ASEAN summit para mapaliit ang gastos ng pamahalaan.
Bukod sa kanyang pulong sa mga ASEAN counterparts, may dayalogo rin ang Pangulo sa ilang mga business leaders at haharap rin siya sa Filipino community sa nasabing bansa.
Facebook Comments