33.4 Billion Pesos budget ng ARMM sa 2018

Aprobado na ng Senado ang 2018 Budget para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Bagaman naging mabusisi ang Senate Committee on Finance (Subcommittee E) na pinagungunahan ni Senator Panfilo Lacson kasama si Senator Juan Miguel Zubiri , inaprobahan rin ng mga ito ang 33.469 Billion Pesos na pundo para sa rehiyon sa susunod na taon.

Pinuri rin ni Sen. Zubiri ang magandang pamamahala ni ARMM Governor Mujiv Hataman kasama ng kanyang mga gabinite partikular ang paglaban nito sa korapsyon.


Maliban sa mga opisyales ng ARMM humarap rin sa senado at dumipensa sa kani kanilang budget ang mga tanggapan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, Mindanao Development Authority, at Southern Philippines Development Authority.(DENNIS ARCON)

Pic: ES

Facebook Comments