Cauayan City, Isabela- Walo nalang ang aktibong kaso ng COVID-19 na binabantayan ng mga health authorities sa lalawigan ng Isabela base sa kanilang inilabas na datos ngayong araw, May 13, 2022.
Kabilang ang tig-isang kaso mula sa mga bayan ng Aurora, Cauayan City, at Reina Mercedes habang lima naman sa Santiago City.
Dahil dito, umabot na sa 69,071 ang total cumulative cases at 66,805 ang recoveries habang nanatili ang bilang na 2,258 COVID related deaths.
Sa kabuuan, tatlumpu’t tatlo (33) bayan na sa Isabela ang COVID-19 Free.
Samantala, umabot na sa 1,031,629 ang fully vaccinated habang 150,133 o 11.9% ang nakatanggap ng booster dose.
Patuloy naman ang paghimok sa publiko na sundin ang ipinapatupad na minimum public health protocol para makaiwas sa COVID-19.
Facebook Comments