33 Chinese nationals kabilang na ang isang sanggol, ipina-deport ng PAOCC

33 Chinese nationals na sangkot sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) activities sa Pasay ang idineport ng Presidential Anti-Organized Crime Commission pabalik ng China.

Kabilang sa pina-deport ang isang sanggol.

Ang mga deportees ay escorted ng mga tauhan ng PAOCC, Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-ASG) at mga tauhan ng Chinese Embassy.


Sakay ang Chinese nationals ng PAL flight PR-336 patungong Xiamen, China na lumipad pasado alas-onse kaninang umaga.

Ayon kay PAOCC Undersec. Gilbert Cruz, pinoproseso na rin ang pagpapa-deport sa iba pang mga Chinese na sangkot sa illegal activities.

Ayon kay Cruz, malaki rin ang nagagastos ng gobyerno sa mga naarestong Chinese POGO workers dahil hindi naman sila maaaring pabayaan ng gobyerno ng Pilipinas bilang proteksyon na rin sa kanilang karapatang pantao.

Facebook Comments