Nagpositibo sa illegal drugs ang tatlumput tatlong mga driver at konduktor ng bus sa isinagawang sorpresang drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga major terminal sa buong bansa.
Sa isang kalatas, inanunsyo ng anti-drug agency na kabilang sa mga nagpositibo sa droga ay mga van drivers, tricycle drivers, jeepney drivers at bus drivers at mga konduktor.
Mula sa 4, 675 drivers na sumalang sa mandatory drug screening, pito ang nagpositibo na gumagamit ng droga sa Ilocos Region at Central Luzon; lima sa Metro Manila at Davao Region; tatlo sa Eastern Visayas at Caraga; isa sa Cagayan Valley, Soccsksargen at sa Bangsamoro Region.
Hindi na pinayagan na bumiyahe ang mga ito at pansamatalang kukumpiskahin ang kanilang mga lisensya habang sumasailalim as rehabilitasyon.
Ang Oplan Harabas ay may layuning tiyaking ligtas at maginhawa ang paglalakbay ng mga uuwi sa probinsya para dalawin ang puntod ng kanilang namayapang mahal sa buhay.