33 katao na may Direct contact sa isang Estudyante, Sumailalim sa Swab test

Cauayan City, Isabela- Isinailalim sa swab test ang 33 katao na ang ilan ay may direktang pakikisalamuha kay CV969 matapos itong magpositibo sa COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan.

Ayon kay Dra. Mary Kristin Purugganan, *Assistant City Health Officer, *inaasahang mailalabas ang resulta ng mga sumailalim sa swab test bukas para matukoy ang kalagayan ng kanilang kalusugan sa harap ng banta ng virus.

Paliwanag pa ni Dra. Purugganan, walang travel history sa kahit anong lugar na may positibong kaso ng virus si CV969 subalit nagkaroon naman ito ng pakikisalamuha kay CV823 na kapwa nitong empleyado ng city hall.


Inihayag din ni Purugganan na wala naman ipangamba ang publiko dahil contained na ang mga direktang nakasalamuha ni CV823.

Samantala, natukoy na ang inisyal na limang (5) katao na may direktang nakasalamuha ni CV969 mula sa 45 na kasamahan nito sa klase kabilang ang kanyang guro na isang senior citizen sa isang pribadong paaralan sa lungsod.

Tiniyak naman ng City Health Office ang kanilang aksyon para magsagawa ng disinfection sa buong paaralan.

Facebook Comments