33 milyong Pilipino, wala pang booster shots

Inihayag ng Department of Health (DOH) na 33 milyong Pilipino ang wala pang booster shots kontra COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 45 milyong Filipino ang eligible sa booster shots.

Pero nasa 11.8 milyon pa lamang ang nagpapaturok ng booster shots.


Dahil dito, sinabi ni Vergeire na nagsagawa ng survey ang DOH kung bakit marami sa mga Filipino ang ayaw magpa booster shots.

Karamihan aniya sa mga Pilipino ang nagsabing sapat na ang dalawang dose ng bakuna at hindi nila kailangan ang booster shot.

Sa ngayon, 65.5 milyong Pilipino na ang fully vaccinated kontra COVID-19.

Facebook Comments