33 pampublikong paaralan sa Maguindanao lubog sa baha, 7 barangay sa Cotabato City binaha

Cotabato, Philippines – Abot sa 33 pampublikong paaralan sa 3 bayan sa unang distrito ng Maguindanao ang lubog ngayon sa baha.

Ito ang siyang inihayag ni DepEd Division 2 Supt. Bai Alibai Aliudin.

Sa kanilang monitoring ay abot sa 27 mga pampublikong paaralan sa Mother at Nothern Kabuntalan ang lubog sa baha at 6 naman sa bayan ng Sultan Kudarat Maguindanao.


Dahil sa ganitong sitwasyon ay ipatutupad ng DepEd ang tinatawag na education in emergency situation kapag lubog pa rin sa baha ang mga paaralan sa pagbubukas ng klase.

Mapipilitan silang magkaroon ng make up classes para sa mga apektadong estudyante.

Sa ngayon ayon sa DepEd ay tuloy ang pagbubukas ng klase sa Lunes June 5 maliban sa 33 paaralan na lubog sa baha.

Samantala, sa Cotabato City ay pitong mga barangay ang lubog ngayon sa tubig baha.
DZXL558, *Amir Sinsuat *

Facebook Comments