Mga rebelde, nagsitakas matapos ang engkuwentro sa Philippine Army na naganap sa Sorsogon

Sorsogon, Philippines – Umatras ang mga rebelde mula sa ilang minutong palitan ng putok mula sa magkabilang panig.
Ito ay matapos na tuntunin ng tropa ng Philippine Army ang isang barangay sa Sorsogon kung saan nakita ang mga armadong kalalakihan.
Hindi pa man nakakalapit ang mga sundalo at kapulisan ay sinalubong na agad sila ng mga sunod-sunod na putok.
Agad naman silang ginantihan ng kasundaluha at mga pulis hanggang sa umatras ang mga rebelde bitbit ang mga sugatang kasama.
Dahil dito, mas pinaigting ang pagbabantay sa mga ibayong bayan para matunton ang mga rebeldeng nagsitakas.
DZXL558,*Leo Barcellano *

Facebook Comments