33 PDL sa Municipal Jail ng San Mateo, Naturukan ng COVID-19 vaccine

Cauayan City, Isabela- Umabot sa kabuuang 33 Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Municipal Jail sa San Mateo, Isabela ang naturukan ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay JO1 Marinette Cayap, tagapagsalita ng BJMP San Mateo, ilan sa mga tumanggap ng bakuna ay mayroong comorbidity gaya ng hypertension pero wala namang naiulat pa na anumang adverse effect na naranasan ng mga ito.

Aniya, tatanggap ng ikalawang dose ang mga PDL sa susunod na taon base sa interval ng pagbabakuna.


Samantala, sakaling maabot ang 85% hanggang 90% herd immunity ay posibleng maibalik ang dalaw ng mga pamilya ng PDL.

Tiniyak naman ng kanilang pamunuan ang pagsisigurong nasa maayos na kalagayan ang lahat ng mga bilanggo sa harap ng nararanasang pandemya.

Nasa kabuuang 40 ang bilang ng mga PDL na nakapiit ngayon sa Municipal Jail.

Nananatili naman ang e-dalaw para sa mga PDL na layong makasama pa rin kahit papaano ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng video call.

Facebook Comments