May panibagong 33 Philippine National Police (PNP) personnel ang gumaling ngayong araw sa COVID-19.
Ito ay batay sa ulat ni PNP Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar.
Kaya naman umabot na sa kabuuang 8,475 ang recoveries sa PNP.
Sa kabila naman na may 33 gumaling, may 28 na PNP personnel naman ang naitalang nagpositibo sa COVID-19.
Dahil dito, kabuuang 8,821 ang COVID cases sa PNP sa bilang na ito 319 ay active cases.
Nanatili naman sa 27 ang namatay na PNP personnel dahil sa COVID-19.
Facebook Comments