
Winasak ng lokal na pamahalaan ng Olongapo City ang 93 depektibong timbangan na nakumpiska sa mga pamilihan matapos ang serye ng operasyon ng Local Price Coordinating Council at ng Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Office.
Ayon sa ulat, ang mga timbangan ay nasamsam mula sa mga tindero at tindera na gumagamit ng sira o sinadyang inayos na kagamitan para mandaya sa timbang ng kanilang paninda.
Layunin ng operasyon na alisin ang mga depektibong gamit upang maiwasan ang panlilinlang sa mga mamimili.
Binigyang-diin ng pamahalaang lungsod na ang hakbang na ito ay bahagi ng kanilang programa para tiyakin ang patas na kalakalan at maprotektahan ang karapatan ng publiko laban sa mapagsamantalang negosyante.
Facebook Comments









